Home METRO Senior nagulungan ng tanker, patay!

Senior nagulungan ng tanker, patay!

MANILA, Philippines- Patay ang isang senior citizen nang mabangga ng tanker habang tumatawid sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Teresita Oliva y Rios, 63, nakatira sa 433 Blk 6 Camia Street, Magsaysay Village, Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, alas-3 nitong Miyerkules nang maganap ang insidente sa kahabaan ng southbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa harap ng Aroma Compound, Temporary Housing, Barangay 105, Tondo, Maynila.

Binabagtas umano ng tanker truck na may plakang NBM 1918 at minamaneho ni Danilo Layog y San Vicente, 51, may-asawa, at residente ng Brgy. Halayhayin, Siniloan Laguna, ang nasabing lugar nang bumangga sa harapang bahagi ng truck ang biktima.

Matapos mabangga ay nagulungan pa ang biktima na dahilan ng kanyang kamatayan.

Hawak na ngayon ng awtoridad ang driver na posibleng maharap na kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTulak timbog sa P2M shabu
Next articlePagdami ng Chinese ships tuwing may resupply mission sa Ayungin naobserbahan ng PH