Home METRO Barangay tanod hinigop ng dagat, dedbol!METRONATIONWIDETOP STORIES Barangay tanod hinigop ng dagat, dedbol!October 2, 2023 13:52 FacebookTwitterPinterestWhatsApp ILOCOS SUR- Patay ang isang barangay tanod matapos na malunod sa dagat sa Brgy. Tamurong, Sta. Catalina ng lalawigang ito kahapon ng umaga.Kinilala ng Sta. Catalina Municipal Police Station ang biktima na si Rafael Albano y Reyes, 52, residente ng Zone 3, Bantay, Ilocos Sur.Habang lumalangoy ang biktima, bigla umano itong hinila ng malakas na kuryente ng tubig.Mabilis namang rumesponde ang mga miyembro ng Sta. Catalina MPS, MDRRMO, BFP at coast guard para iligtas ang biktima.Matapos na ma-rescue ang biktima ay agad na isinugod sa Metro Vigan Coop Hospital.Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso