Home ENTERTAINMENT Barbie, ginagaya raw si Sarah!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Barbie, ginagaya raw si Sarah!November 2, 2026 12:2220 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Usap-usapan ngayon sa social media ang Halloween look ni Barbie Imperial bilang Poison Ivy na ibinahagi niya sa Instagram.Nauna rito, nag-post din si Sarah Lahbati sa kanyang Instagram Story ng throwback photo kung saan naka-Poison Ivy costume din siya noong 2013.Dahil dito, hindi naiwasang pagkumparahin ng ilang netizens sina Barbie at Sarah, na kapwa naiugnay kay Richard Gutierrez.May ilan pang nang-uurot kay Barbie at nagsasabing tila ginagaya umano nito ang dating asawa ng kanyang boyfriend.Gayunman, wala namang indikasyon na sinadya ni Barbie na gayahin ang dating Halloween look ni Sarah.Hindi rin nagpahuli ang mga kibitzer sa pagbibigay ng kani-kanilang opinyon.“Talagang lodi ni Barbie si Sarah. Laging ginagaya. Hahaha.”“Bakit sa dami naman ng karakter na gagayahin, bakit iyong nagawa na ni Sarah. Hahaha.”“Mas maganda raw siyang magdala ng Poison Ivy. Hahaha.”“Mas nauna ang throwback post ni Sarah kesa sa post ni Barbie.”“Anong ibig sabihin n’yan? Parang gusto makipagkompetensya ni Sarah?”“The orig is still the best.”“Napa-throwback talaga si SL. Ayaw pakabog kay BI.”“Buhay na naman ang sabong.”“Mas classy si SL.”“In fairness, youthful looking si Barbie kesa Sarah.”Sa kabila ng mga komento, wala namang pahayag mula kina Barbie at Sarah na may kaugnayan sa pagkukumpara sa kanilang Poison Ivy looks.Archie Liao