Manila, Philippines – Hindi umano siya ang dahilan sa paghihiwalay ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Ito ang ipinagdiinan ni Barbie Imperial as she opened up about her romantic relationship with the actor.
Inihinga ng Kapamilya actress ang kanyang saloobin sa vlog interview ni Ogie Diaz.
Paglilinaw ni Barbie: “Kung anuman po ang reason ng hiwalayan nilang dalawa, masasabi ko po at alam ng Diyos na hindi po ako ‘yon. Alam po ng buong showbiz ‘yan, ‘yung mga nakakakilala sa akin at kay Sarah.”
Sa halip, itinuro ng aktres ang mga direktang sangkot sa isyu–mismong ang couple.
“Si Sarah at si Richard, alam po nilang pareho ang reason, at alam nila na hindi po ako ‘yon,” giit niya.
Dagdag niya, hindi naman daw niya istorya ang hiwalayang ‘yon–short of saying it doesn’t concern her: “Respeto ko po ‘yon sa kanilang dalawa at sa mga anak nila.”
Dumating daw siya sa buhay ni Richard nang wala na ang aktor at si Sarah.
“Ang alam ko po, separate house na sila. Saka feeling ko po, kung inagaw ko si Richard kay Sarah, for sure, magagalit siya sa akin…’yung may sasabihin siya about me,” aniya.
Kung sa kanya rin daw nangyaring inagawan siya: “Ipo-post ko talaga ‘yon!”
Ano ba ang masasabi ni Barbie tungkol kay Richard as to how he expresses his love?
“Grabe siya mag-alaga! Hindi ka niya susukuan kapag mahal ka niya!” pagbibisto niya.