Home ENTERTAINMENT Barbie, nag-throwback sa rejection!

Barbie, nag-throwback sa rejection!

Manila, Philippines – Bahagi na ng bawat audition para sa minimithing role ang rejection.

It’s a hit or miss thing.

Kung papasa, well and good.

Pero kung hindi naman, maybe the role is not for you.

Lesson: don’t despair as bigger things may be in store for you.

As the clichè goes: ” Try and try until you suceed.”

Ito nga ang pinairal ni Barbie Forteza sa sabay nilang guesting ng ka-loveteam na si David Licauco sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ibinahagi kasi ng dalawa ang kanilang mga kuwento tungkol sa rejection sa pinagdaanan nila.

Kuwento ni Barbie, she was at least rejected thrice nang mag-audition para sa younger role ng bidang si Marian Rivera sa mga teleserye ng GMA.

Ito’y ang Marimar, Dyesebel at Darna.

Basic requirements kasi ang mga hinihingi ng mga papel na ‘yon.

In Marimar, matatandaang may alagang aao ang bida doon na si Fulgoso.

Problem was, takot daw si Barbie sa mga aso. Ang ending: reject siya!

Sinundan ito ng Dyesebel kung saan marunong dapat lumangoy ang gaganap bilang younger bida.

Barbie is a self-confessed non-swimmer. Again, tablado raw uli ang beauty niya.

The third and last ay ang Darna.

Aminado naman si Barbie na meron siyang fear of heights.

Pero teka, camera trick lang naman ang paglipad ni Darna, ah!

‘Di kaya ang seksing suot nito ang nagpaatras kay Barbie? Ronnie Carrasco III