Home ENTERTAINMENT Barbie, pumalag sa isyu kay John, ‘hiwalay’ na kay Richard?

Barbie, pumalag sa isyu kay John, ‘hiwalay’ na kay Richard?

Manila, Philippines- Umugong ang tsikang nagkakalabuan na raw diumano ang relasyon nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ayon sa isang unconfirmed online article.

Ito ay kahit wala pa namang public admission ang dalawang stars na opisyal na sila.

Iniisyu kasing nagseselos daw umano si Richard kay John Estrada na kilala sa pagiging ‘matulis’ at matinik sa mga bebot.

Si John ay costar ni Barbie sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco Martin.

Ang siste, sa nasabing ulat, ginagawa raw ni Richard ang lahat ng paraan para maialis si Barbie sa nabanggit na serye ni Coco para iiwas kay John.

Ayon naman sa panayam ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz, idinenay daw ni Barbie ang naturang tsika.

Umalma rin daw ito sa nasabing fake news.

Sey ni Barbie, wala raw katotohanan ang tsikang pinopormahan siya ni John.

Katunayan, never pa raw silang nagkikita ng aktor.

Never pa rin daw silang nagka-eksena ni Rigor, karakter ni John.

Sa pagkakaalam naman ni Ogie, tatlo ang units ng Batang Quiapo at ang bawat aktor ay may kanya-kanyang unit na kinabibilangan.

Kaya dahil sa laki ng produksyon, imposible raw na magkita-kita o magkaroon ng interaksyon ang mga stars.

Si Barbie ay gumaganap bilang Tisay, isang bar singer, sa “FPJ’s Batang Quiapo”.

Thankful din siya sa opportunity na makatrabaho si Coco at looking forward siya sa mga maaaksyong eksena nila ng Kapamilya Primetime King. Archie Liao