MANILA, Philippines – Tumaas ng hanggang 400 percent ang retail price ng mga kamatis sa Metro Manila dahil sa pagbaba umano ng suplay nito makaraan ang serye ng mga bagyo sa bansa noong nakaraang taon.
Sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), ang mga kamatis ay ibinibenta sa pagitan ng P200 at P350 kada kilo.
Mas mataas ito kumpara sa P40 hanggang P100 sa kada kilo ng kamatis noong nakaraang taon.
Sinabi naman ng DA na posibleng bumaba ang presyo nito sa pagtatapos ng Enero o sa Pebrero sa pagsisimula ng dry season production.
“Production may resume this January until February. It is the start of the dry season and then expectedly, the prices can go back to normal during this period …, [probably by the] end of January or early February,” ayon sa DA. RNT/JGC