Home NATIONWIDE Show cause order inisyu ng LTO vs may-ari ng tricycle na kumaladkad...

Show cause order inisyu ng LTO vs may-ari ng tricycle na kumaladkad sa pusa sa viral video

143
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng show cause order laban sa may-ari ng tricycle na kumaladkad sa isang pusa na itinali, sa isang viral video na kumalat online.

Nagpatupad na ang Land Transportation Office (LTO) ng moto propio investigation sa insidente.

“Ginagawa po natin ito sa mga nagba-viral videos kahit po walang reklamo, kapag nakita po natin na may possible violations of [Republic Act] 4136 or possible that the person is not a proper person to operate a motor vehicle, tayo po ay nagi-issue ng show cause order,” ayon kay LTO Executive Director Greg Pua.

Ipinatawag na ng LTO ang may-ari ng tricycle na magtungo sa main office sa Enero 20 kasama ang drayber nito.

“Mag-appear sana kasama na yung driver para yung driver po talaga yung ma-penalize natin,” ani Pua.

Maaaring bawiin ang lisensya ng tricycle driver kung mapatutunayang guilty. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here