Home NATIONWIDE 2 tiklo sa pagbebenta ng karne ng aso sa Nueva Ecija

2 tiklo sa pagbebenta ng karne ng aso sa Nueva Ecija

196
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na umano’y nagbenta ng aso para sa karne nito, sa General Tinio, Nueva Ecija.

“Ang sinasabi ng iba, part ng kultura nila ito or part ng tradition. Para sa amin, this is animal cruelty. Ang aso ay hindi food animal bagkus companion animal sila o isang pet,” ayon kay Heidi Marquez-Caguioa, program director ng Animal Kingdom Foundation (AKF), sa panayam ng GMA News.

Ani Marquez-Caguioa, nakatatanggap sila ng ulat ng pagbebenta ng aso para kainin mula noong Nobyembre, kung saan ang suspek umanong kinilala sa alyas “Rico” ay nagbabahay-bahay para makipag-transaksyon.

Nagpanggap ang tauhan ng AKF na bibili ng aso. Agad naman na itinuro ng suspek kung saan niya kukunin ang naturang aso.

Ibinibenta umano ng suspek ang mga aso sa halagang P700 hanggang P1,200 depende sa bigat nito.

Nasagip ng mga awtoridad ang tatlong aso mula sa suspek.

Nasa kustodiya rin ng pulisya ang isa pang babae dahil sa pagbebenta ng kanilang aso kay Rico. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here