Home NATIONWIDE Canada PM Trudeau nagbitiw na sa pwesto

Canada PM Trudeau nagbitiw na sa pwesto

CANADA – Inanunsyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagbibitiw nito sa pwesto, Lunes, Enero 6.

Kasabay nito ay sinabi niya na iiwan niya na ang opisina sa oras na makahanap na ng bagong lider ang kanyang partido.

Matapos ang mahigit siyam na taon sa kapangyarihan, humina ang suporta kay Trudeau sa ruling Liberal Party noong 2024 dahil sa tumitinding kritisismo ng publiko sa tumataas na cost of living sa naturang bansa.

“I intend to resign as party leader, as prime minister, after the party selects its next leader,” ani Trudeau.

Hindi malinaw kung gaano katagal mananatili si Trudeau sa opisina bilang caretaker premier.

Aniya, ang leadership race ng Liberal ay magiging “a robust, nationwide competitive process.” RNT/JGC