Home NATIONWIDE Maximum SRP sa imported na bigas, target ng DA

Maximum SRP sa imported na bigas, target ng DA

MANILA, Philippines – Plano ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas para matugunan ang umano’y profiteering.

Ang imported na bigas sa kasalukuyan ay ibinibenta hanggang P65 kada kilo sa ilang pamilihan sa Quezon City.

Ayon kay Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr., hindi dapat umabot sa mahigit P60 kada kilo ang presyo ng imported na bigas.

β€œ[That is] already profiteering in my opinion,” ani Tiu-Laurel.

Plano ng DA na ipatupad ang MSRP bago matapos ang Enero.

β€œIt is not a suggestion. It is like we are saying na ito dapat ang maximum presyo nyan. But it is not a price cap. We will be coming up with the MSRP system very soon,” sinabi pa ng opisyal.

Makikipagpulong ang DA sa mga rice importer, retailer, at iba pang ahensya ng pamahalaan para ipatupad ang MSRP, kung saan ito ipatutupad at ang pananagutan ng mga lalabag. RNT/JGC