Home HOME BANNER STORY Baril ng mga pulis ‘di na kailangan selyuhan sa Bagong Taon –...

Baril ng mga pulis ‘di na kailangan selyuhan sa Bagong Taon – PNP exec

MANILA, Philippines – Hindi na kailangang selyuhan pa ang mga baril ng mga pulis sa paparating na Bagong Taon, ayon sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado, Disyembre 28.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director PBGen. Anthony Aberin, ‘professional’ at responsible ang mga miyembro ng NCRPO para malaman kung ano ang magiging bunga ng kanilang mga aksyon.

“My initial pronouncement was that we would put tape, but I have seen the records from the past eight years, and the PNP has not been using tape. I have full trust and confidence,” sinabi ni Aberin sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.

“Naniniwala po ako na sa ngayon ay hindi na yata ng kailangan ng pagtape ng baril, bagkus, alam po natin na responsable ang members ng NCRPO,” dagdag pa ni Aberin.

Anang acting director, ang mga pulis na magpapaputok ng kanilang mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon ay mahaharap sa criminal at administrative charges at maaaring masibak sa serbisyo.

Samantala, binanggit naman ni Aberin ang dalawang kaso ng stray bullets sa Sta. Mesa, Manila at Parañaque City noong Pasko.

Aniya, ang kaso sa Sta. Mesa, Manila ay kaso ng barilan, habang ang insidente sa Paranaque ay iniimbestigahan pa rin.

“Tuloy tuloy ang NCRPO para ilatag ang security coverage po para sa New Year at andun pa rin ang deployment ng mahigit 10,000 pulis na nakadeploy sa places of convergence natin kagaya ng terminal, mga malls, simbahan at marami pang iba.” RNT/JGC