MANILA, Philippines – Sinasabing isang cargo vessel ang lumubog sa karagatan ng Paluan, Occidental Mindoro noong kasagsagan ng bagyong Kristine, base sa ipinarating na ulat sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa PCG Southern Tagalog, nawawala ang cargo vessel na MV Sta. Monica-A noon pang Okt. 27,2024.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng search and rescue operation ang PCG upang mahanap ang mga sakay nito.
Pag-aari ng Synergy Sea Venture Inc., ang nasabing barko.
Nalaman na umalis sa Sta. Cruz Port, Taytay, Palawan, patungong Casian, Taytay, Palawan ang nasabing barko pero humanap ito ng ligtas na lugar dahil sa bagyong Kristine.
Pero hindi na nakontak pa ng may-ari ng barko ang sampung crew at kapitan.
Ayon sa PCG, narekober ng mga mangingisda ang 10 empty LPG tanks sa karagatan Mamburao Occidental Mindoro na napag-alamang mula sa nawawalang barko.
May narekober ding life jacket na may tatak na MV Sta. Monica A at dalawang salbabida bukod pa sa nakitang nakalutang na patay na kalabaw na pinaniniwalaang sakay ng barko. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)