Home NATIONWIDE Barko ng Atin Ito pabalik na sa Maynila

Barko ng Atin Ito pabalik na sa Maynila

255
0

MANILA, Philippines- Pabalik na sa Manila ang barko ng Atin Ito Coalition matapos ang civilian mission nito sa West Philippine Sea (WPS), sinabi ng isa sa mga organizer na si Emman Hizon, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Hizon, patuloy na sinusundan ng China Coast Guard (CCG) vessel 21549 ang M/V Kapitan Felix Oca ni Atin Ito na may layong 4.2 nautical miles.

Inaasahang darating sa Manila ang barko ng Atin Ito ng alas-4 ng hapon.

Sinabi ni Hizon na bumagal ang paglalakbay dahil sa alon.

Sa kabila ng pagsunod ng mga barko ng China at masamang panahon noong Miyerkules, matagumpay pa ring nakapagsagawa ng konsyerto ang Atin Ito Coalition sa karagatang sakop ng Pagasa Island bilang bahagi ng ikatlong civilian mission nito sa WPS.

Ang mga suplay ay inihatid sa mga mangingisda sa lugar.

Idinaos din ang simbolikong seremonya ng pagtataas ng watawat sa barko ni Atin Ito bilang paggunita sa National Flag Day.

Mahigit 150 katao ang sakay ng M/V Kapitan Felix Oca kabilang ang mga boluntaryo, artista at kanilang mga tripulante, ang press, gayundin ang mga tauhan ng bangka.

Nagsimula ang civilian mission noong Mayo 26 at inaasahang magtatapos sa Mayo 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here