Home HOME BANNER STORY Teves naisakay sa commercial plane pabalik ng Pinas

Teves naisakay sa commercial plane pabalik ng Pinas

222
0

MANILA, Philippines- Isinakay sa isang commercial plane si dating Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr. mula sa Timor-Leste.

Sa inisyal na impormasyon batay sa SMNews sa Timor-Leste, sakay ng eroplano ng Philippine Air Force na may tail number 142.

Aabutin umano ng tinatayang tatlo hanggang apat na oras ang biyahe ni Teves.

Inaasahan namang lalapag sa bansa ang chartered plane bandang alas-5:30 mamayang hapon.

Wala pang malinaw na detalye kung sa Villamor Airbase ito lalapag o kung sa ibang paliparan.

Samantala, nanindigan naman si Atty. Ferdinand Topacio na dapat dalhin sa Maynila ang kanyang kliyente.

Batay aniya sa kanyang impormasyon, lalapag muna ang eroplano sa Davao International Airport para magrefuel.

Paliwanag pa ni Topacio na dahil government-owned o military plane ang pinagsakyan ay maaari o pinapayagan naman itong lumapag kahit saang airport dito sa Pilipinas.

Sinabi ni Topacio na kahit saan pa mag-landing ang eroplano ay dapat ilipad patungo sa Maynila si Teves at iharap sa korte o sa Manila Regional Trial Court, branch 51 na siyang nag-isyu ng warrant of arrest.

Sa nasabing korte aniya tutukuyin kung tama ba ang proseso ng pagkakaaresto kay Teves. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here