Home NATIONWIDE Barko ng CCG muling namataan malapit sa Zambales

Barko ng CCG muling namataan malapit sa Zambales

MANILA, Philippines – Isang barko ng China Coast Guard (CCG) ang muling namataan malapit sa baybayin ng Zambales sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes, Pebrero 27.

Sa isang pahayag, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na ang CCG vessel 3301 ay namataan sa layong 105 hanggang 110 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.

Sinabi ni Tarriela na iginigiit ng pinakamalaking sasakyang-dagat ng PCG na BRP Teresa Magbanua ang mga karapatan ng Pilipinas sa soberanya dahil sa labag sa batas ang presensya ng Chinese vessel sa lugar.

Sinabi ni Tarriela na sa kabila ng hamon sa kondisyon sa kagaratan dahil sa matataas na alon, ang BRP Teresa Magbanua ay nanatiling matatag sa kanyang misyon sa loob ng mahigit isang linggo.

Nakatuon aniya ang PCG sa pagprotekta sa maritime rights ng bansa, pagtiyak sa kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino, pagtataguyod ng internasyonal na batas, at pagpapagaan ng mga tensyon sa WPS.

Patuloy ang tensyon habang inaangkin ng Beijing ang halos lahat ng South China Sea, isang conduit para sa higit sa $3 trilyon ng taunang shipborne commerce, kabilang ang mga bahaging inaangkin ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.

Ang mga bahagi ng South China Sea na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ay pinalitan ng pangalan ng Manila bilang West Philippine Sea upang igiit ang sovereign rights ng bansa.

Ang West Philippine Sea ay tumutukoy sa mga maritime areas sa kanlurang bahagi ng Philippine archipelago kabilang ang Luzon Sea at ang mga tubig sa paligid, sa loob at katabi ng Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc.

Noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa Hague na pabor sa Pilipinas ang pag-angkin ng China sa South China Sea, na nagsasabing ito ay “walang legal na batayan.”

Tumanggi ang Beijing na kilalanin ang desisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden