Home HOME BANNER STORY Barko ng PH Navy binuntutan ng Chinese warships sa pagpapatrolya sa WPS

Barko ng PH Navy binuntutan ng Chinese warships sa pagpapatrolya sa WPS

1
0

MANILA, Philippines – Binuntutan ng apat na Chinese warships ang barko ng Philippine Navy na patungo sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) nitong Sabado, Hunyo 20.

Nagsasagawa ng maritime patrol ang BRP Diego Silang ng Philippine Navy nang salubungin ito ng apat na Chinese warships.

Sa engkwentro, nagpalitan ng radio challenges ang China at Pilipinas, kung saan binalaan ng Chinese warship ang barko ng Pilipinas na agad umalis sa lugar.

Sa kabila ng dami ng barko ng China ay nagpatuloy pa rin sa misyon ang BRP Diego Silang.

Dahil dito ay inilunsad ng Philippine warship ang sakay nitong Agusta 109 helicopter habang naglalayag sa 18 knots, na bahagi ng patrol operation nito sa lugar.

Inakusahan ng China ang helicopter na pumapasok sa airspace umano nila nang walang pahintulot at sinabing banta ito sa kanilang seguridad.

Tumugon naman ang Philippine Navy at iginiit na sila ay nagsasagawa ng lawful operation at sinabihan ang mga barko ng China na sumunod sa international collision regulations.

Mahigpit na minonitor ng Chinese Navy Warship 554 ang bawat galaw ng BRP Diego Silang ng ilang oras bago ito makalapit sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Capt. John Percie Alcos, commanding officer ng BRP Diego Silang, patuloy na igigiit ng Philippine military ang maritime rights at hurisdiksyon ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here