Home NATIONWIDE Barko sa Red Sea pinalubog ng Houthi rebels

Barko sa Red Sea pinalubog ng Houthi rebels

YEMEN – Lumubog ang isang barko matapos ang pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea.

Ito ang kauna-unahang barko na tuluyang nasira kasunod ng kampanya ng Houthi rebels sa giyera ng Israel at Hamas.

Ang paglubog ng barkong Rubymar ay naganap habang dumadaan ito sa Red Sea na isang mahalagang daanan para sa mga cargo at energy shipments mula Asya at Middle East patungong Europe.

Ilang barko na ang umiiwas sa lugar na ito at dumadaan sa mas mahabang ruta ng Africa sa takot na atakehin din ng mga Houthi.

Sa ulat, naglalayag pa-hilaga ang Belize-flagged na Rubymar nang tamaan ito ng anti-ship ballistic missile ng Houthi noong Pebrero 18 sa Bab el-Mandeb Strait, isang mahalagang daanan na nagdurugtong sa Red Sea at Gulf of Aden.

Kinumpirma ng Yemen ang paglubog ng barko. Wala pa ring tugon ang Beirut-based manager ng Rubymar kaugnay sa insidente. RNT/JGC