Home HOME BANNER STORY Israel inakusahan ng ‘mass killing’ sa mga Palestinian

Israel inakusahan ng ‘mass killing’ sa mga Palestinian

Palestinians run along a street as humanitarian aid is airdropped in Gaza City on March 1, 2024, amid the ongoing conflict between Israel and the Hamas militant group. - For months, aid workers have warned of an increasingly desperate situation for Gazan civilians, and on February 26 an official from the UN humanitarian office OCHA said widespread starvation was "almost inevitable". (Photo by AFP)

ISRAEL – Inakusahan ni African Union chief Moussa Faki Mahamat nitong Sabado, Marso 2, ang Israel sa mass killing ng mga Palestinian.

Kasabay nito ay hinimok din niya ang international probe kaugnay nito.

“Mahamat strongly condemns an attack by Israeli forces, that killed and wounded more than 100 Palestinians seeking life-saving humanitarian aid,” saad sa pahayag ng African union.

“The Chairperson calls for an international investigation into the incident to bring the perpetrators to account,” pagpapatuloy pa, sabay himok ng “an immediate and unconditional ceasefire”.

Matatandaan na pinaputukan ng mga sundalo ng Israel ang mga sibilyang Palestinian na nagkakagulo sa mga suplay ng pagkain sa isang melee.

Mahigit 100 katao ang nasawi sa insidenteng ito sa Gaza City.

Ayon sa Israeli military, nagkaroon umano ng stampede matapos na palibutan ng libo-libong Gazans ang convoy ng 38 aid trucks, dahilan para marami umano ang masawi at masaktan kung saan ang iba pa ay nagulungan.

Hindi naman itinanggi ng isang Israeli source na pinaputukan ng mga sundalo ang mga tao dahil sa pagiging “threat” nito.

Tinawag ng health ministry ng Gaza na ‘massacre’ ang ginawa ng Israel.

Nanawagan na ng imbestigasyon ang world leaders, kasama na si United States President Joe Biden. RNT/JGC

Previous articleMass rally ng mga doktor ikakasa vs med school quota sa SoKor
Next articleBarko sa Red Sea pinalubog ng Houthi rebels