Home NATIONWIDE Mass rally ng mga doktor ikakasa vs med school quota sa SoKor

Mass rally ng mga doktor ikakasa vs med school quota sa SoKor

South Korean doctors march to protest against the government medical policy in front of the Presidential office in Seoul, South Korea, February 25, 2024. REUTERS/Kim Soo-Hyeon - RC2I96ABQTJD

SOUTH KOREA – Tumataas ang tensyon sa South Korea sa inihahandang mass rally ang mga doktor laban sa plano ng pamahalaan na taasan ang medical school admissions.

Ayon sa Korea Medical Association (KMA), idaraos nila ang pinakamalaking kilos-protesta sa Seoul ngayong araw, Marso 3, bilang pagtutol sa plano ng pamahalaan na magdagdag ng 2,000 pang pwesto sa medical school admission quota simula sa susunod na taon.

Nasa 20,000 doktor ang inaasahang lalahok dito.

Nagiging matigas naman ang pamahalaan sa mga doktor na lalahok sa kilos-protesta at strike, sa pagsasabing hindi ito magdadalawang-isip na maghain ng reklamo sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng KMA.

Nitong Biyernes, nagsagawa ng raid ang mga awtoridad sa mga tirahan at opisina ng mga opisyal ng KMA sa paghihinala na hinihikayat umano ng mga ito ang trainee doctors na mag-walk out sa trabaho at sumama sa strike.

Nauna nang umapela ang pamahalaan sa mga junior doctor na bumalik na sa trabaho, dahil kung hindi ay mahaharap sa parusa kabilang na ang suspensyon ng lisensya.

Huwebes ng hapon, 565 sa 9,510 na mga nag-strike na doktor ang bumalik na sa trabaho, o 6% sa mga ito.

Maghihintay pa ang pamahalaan hanggang sa pagtatapos ng weekend para sa pagbabalik ng mas marami pang mga doktor. RNT/JGC

Previous article13 Vietnamese nationals na nagtatrabaho sa mga spa, health clinic inaresto ng BI
Next articleIsrael inakusahan ng ‘mass killing’ sa mga Palestinian