Home METRO Barko sumadsad sa hagupit ni Nika; 156 pasahero nasagip sa Romblon

Barko sumadsad sa hagupit ni Nika; 156 pasahero nasagip sa Romblon

Tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa maritime incident na kinasangkutan ng RoRo/passenger vessel na MV Maria Oliva na sumadsad sa bisinidad baybayin ng Romblon nitong Nobyembre 11, 2024.

Katuwang ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Romblon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offive (MDRRMO) at ang Provincial Government .

Sa inisyal na imbestigasyon, nalaman na ang MV Maria Oliva na pinatatakbo ng Montenegro Shipping Lines ay umalis sa San Agustin Port – sakay ang 156 mga pasahero ,38 crew kasama ang kapitan gayundin ang 26 rolling cargoes patungong Romblon Port.

Lahat ng mga pasahero ay ligtas na naisakay sa Romblon Port maliban sa isang dialysis patient at kasamahan dahil kailangan ng access sa kanyang dialysis equipment na lulan din ng nasabing barko.

Lahat ng mga nasagip na mga indibidwal ay nasa mabuting kalagayan at itinurn over sa MDRRMO Romblon para sa karagdagang tulong.

Nagsagawa ng initial oil spill assessment ang mga tauhan ng Coast Guard at negatibo ang resulta.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng CGSS Romblon sa dahilan ng pagsadsad ng barko. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)