Home NATIONWIDE Barkong may dalang bulto ng droga pinigilang makapasok ng Pinas

Barkong may dalang bulto ng droga pinigilang makapasok ng Pinas

MANILA, Philippines – Hindi pinapasok sa kagaratan ng Pilipinas ang isang barko na hinihinalang kargado ng malaking bulto ng illegal na droga sa joint operation ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa isang pahayag noong Lunes, Pebrero 24, sinabi ng PCG na ang barko ay nasa labas lamang ng Philippines’ exclusive economic zone malapit sa baybayin ng Mindoro.

Sa kabila na maalon na karagatan, ang sanibpwersa ng PCG-PDEA ay siniguro na hindi makakapsok ang barko sa teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na ang operasyon ay resulta ng international cooperation at inter-agency collaboration.

“The success of this operation highlighted the effectiveness of the national government’s anti-illegal drugs campaign and law enforcement operations within our maritime jurisdiction to prevent the proliferation of illegal drugs in the country,” sinabi pa ni Gavan.

Tumanggi ang PCG na magbigay ng iba pang detalye dahil sa “operational security”. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)