Home METRO Sirang kalsada sa Roxas blvd., 9 buwang aayusin

Sirang kalsada sa Roxas blvd., 9 buwang aayusin

MANILA, Philippines – Sinimulan na ngayong Miyerkoles, Pebrero 26 ang siyam na buwang rehabilitasyon sa nasirang kalsada sa kahabaan ng Roxas Boulevard southbound, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gagagawin ang pagkukumpuni o restoration works sa pagitan ng Quirino at Vito Cruz, sinabi ng DPWH – South Manila District Engineering Office sa isang post sa social media.

Inaasahan namang matatapos ang pagsasaayos sa Nob. 17

Ang pagsasara ng apektadong lane ay isa-isa lamang isasara habang ang ibang lane ay mananatiling madadaanan ng mga motorista para mabawasan ang abala sa trapiko sa lugar.

Hinikayat ng DPWH ang mga motorista na gumamit ng ibang lanes o kaya ay dumadaan sa ibang ruta upangmaiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa panahon ng pagsasaayos.

Nangako ang DPWH na tatapusin ang proyekto nang maaga at tiniyak na agad itong bubuksan sa publiko ang mga saradong lane kapag natapos na. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)