Home METRO 14 nasagip ng PCG sa lumubog na motorbanca sa Bohol

14 nasagip ng PCG sa lumubog na motorbanca sa Bohol

(c) Remate News Central File Photo

MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 indibidwal na sakay ng MBCA Ayoshi Kim Rin 8 na lumubog sa karagatan sa pagitan ng Baicasag Island at Panglao, Bohol noong Martes, Pebrero 24.

Nang matanggap ang impormasyon, agad tumugon ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Balicasag sa nasabing lokasyon at nagbigay ng kinakailangang tulong.

Ligtas na inilipat ng rescue team ng Coast Guard ang 12 pasahero, isang boat captain, at isang crew member ng distressed motorbanca sa MBCA Nika at Niah Naj.

Hinila naman ang motorbanca patungo sa baybayin ng Panglao.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-malfunction at huminto ang motorbanca habang patungo sa Panglao, dahilan para mawalan ito ng kontrol lalo na ay nakasagupa ang malalaking alon at malakas na agos na nagdulot ng pinsala sa bangka.

Nasa maayos namang kalagayan ang lahat ng nasagip na indibidwal at itinurn-over sa Municipk Environment and Natural Resources Offices (MENRO) Pangalo para sa karagdagang tulong. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)