Home NATIONWIDE Barkong tumawid sa Hormuz dumami bago ang naval blockade ng US

Barkong tumawid sa Hormuz dumami bago ang naval blockade ng US

1
0
Cargo ships, including bulk carriers and general cargo vessels, sit at anchor offshore as a small motorboat passes in the foreground, in the Strait of Hormuz off Bandar Abbas, Iran, Monday, May 4 , 2026.(Amirhosein Khorgooi/ISNA via AP)

IRAN – Dumami ang bilang ng mga barko na tumawid sa Strait of Hormuz bago ang inaasahang naval blockade ng US.

Nitong Martes kasi ay muling ipinatupad ni US President Donald Trump ang naval blockade sa lahat ng Iranian ports at nagbanta na titirahin ang mga power plant at tulay kung hindi magbabalik sa negosasyon ang Tehran.

Siyam sa 11 barko na dumaan sa Hormuz ay naglayag sa pamamagitan ng Iranian route, ayon sa ship-tracking data sa Kpler.

Sa nabanggit na bilang, tatlong walang laman na oil tanker – isang Aframax-sized vessel at dalawang Very Large Crude Carriers ang pumasok sa strait.

Kabilang naman sa mga lumabas na barko sa strait na may Iranian exports ay isang VLCC na may kargang dalawang milyong bariles ng krudo, medium-range tanker na may refined products, at dalawang tankers na naglalaman ng liquefied petroleum gas.

Lumabas din sa Gulf ang isang laden methanol tanker at dry bulk carrier na may iron ore.

Wala namang nakitang pagpasok o paglabas ng mga tanker na may kargang langis o gas mula sa ibang Gulf producers nitong Martes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here