Manila, Philippines – Kaugnay ng mga balitang naglabasan tungkol sa pagkakakulong diumano ni Baron Geisler sa Mandaue City sa Cebu matapos daw magwala dahil sa kalasingan ay nakapagpyansa din naman daw soya at nakalaya.
Aminadong naapektuhan ng latest isyu si Baron at ang pamilya nito pero pinarating ng aktor na okey na okey siya at nakaluwas na ng Maynila para sa shooting ng bago niyang pelikula kasama ang asawang si Jamie.
Sa kanyang interview sa Kapatid network, bagama’t hindi dinetalye ang nangyari, hindi raw siya papayag na gawin ito sa kahit kanino kasi maling mali raw talaga ang lahat ng lumalabas so, kailangan daw ng hustisya para diyan.
“The truth will come out naman. Laban lang sa buhay and I choose to be happy,” sey pa ni Baron
Nagpapasalamat daw siya sa pagiging supportive ng asawang si Jamie.
Ito nga raw ang sumasagot sa mga messages at tumawag na pa raw ito sa police station, pero hanggang du’n na lamang daw ang maibabahagi niya.
“I want to make it clear, I’m ok, and I’m seeking legal advice to address this properly,” aniya pa.
O ayan, sa mga nag-iimbento ng mga maling balita tungkol kay Bron, handa pala niya kayong kasuhan. Rommel Placente