Home HOME BANNER STORY BARREDO HARI NG 57th MTBA OPEN-MIXED MASTERS 

BARREDO HARI NG 57th MTBA OPEN-MIXED MASTERS 

0
BARREDO HARI NG 57th MTBA OPEN-MIXED MASTERS 
HARI NG MASTERS - Pinarangalan nina (dulong kanan) MTBA President Benny Antiporda at Secretary Ma. Jesusa Antiporda ang mga nagwagi sa 57th MTBA Open Tenpin Bowling Championships-Mixed Masters Division sa pangunguna nina (nasa podium) champion Matt Barredo, 1st runner Francis Jose at Darwin Eusebio (3rd place). Kasama rin sa litrato sina (mula kanan) MTBA Treasurer Johnny Lugay at iba pang nagwagi na sina Denzell Reyes, Joseph Rivera, Veijin Uy, Alex Ngoi Jr., at Marlon Sia.

MANILA, Philippines – Hindi nagpatinag si Matt Barredo sa kapwa niya mahusay na bowlers  para masungkit ang kampeonato sa katatapos na prestihiyosong 57th MTBA Open Tenpin Bowling Championships-Mixed Masters Division  na ginanap sa Playdium Bowling Center, Quezon City.

Dinomina ni Barredo, pambato ng DATBI-Nobleland, ang kumpetisyon upang  hiranging pinakamagaling sa lahat ng mga master sa kanyang natipong iskor na 2,354 para maibulsa ang napakagandang gold trophy at tumataginting na P80,000 cash prize.

Kumamada rin ang hinirang ng 1st runner-up na si Francis Jose ng kaparehas na iskor na 2,354 subalit nagkatalo ang dalawa para sa agawan sa top honor sa handicap.

Naibulsa ni Jose (PBA-Knights) ang tumataginting na P40,000 cash prize at isang napakagandang silver trophy.

Nagbunyi naman si Darwin Eusebio (AMBA) na tumarak ng iskor ng 2,318 points dahil natangay niya ang  2nd runner-up award.

Naisubi ni Eusebio ang cash prize na P20,000 at isang bronze na trophy para sa karangalan.

Maganda ang naging laban ng tatlo dahil halos hindi nagkakalayo ang kanilang puntos.

Sa iskor na 2,268, nagwagi rin,, nag-iisang babae na nanalo, si Veijin Uy (PTBA-Henrich) ng 4th runner-up award na may premyong P10,000.

Iniuwi ni Alex Ngoi Jr. (PBA-AMBA) ang 5th place spot sa iskor na 2,260 at na may P5,000 cash prize.

Nagkasya naman sina Joseph Rivera, (SLETBA), Marlon Sia (PTBA-Henrich) at Denzel Reyes (CLTBA-ACTBA)sa 6th, 7th, at 8th places, ayon sa pagkakasunod-sunod, na may nakalaang premyong tig-P4,000.

Ayon kay MTBA President Benny Antiporda, dahil sa ganda ng kumpetisyon, nasasabik na siya para sa pagbubukas ng 58th edisyon ng MTBA tournament.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here