Home HOME BANNER STORY Barzaga bibigyan ng patas na pagdinig ng House ethics committee

Barzaga bibigyan ng patas na pagdinig ng House ethics committee

214
0

Manila, Philippines – Tiniyak ni 4Ps Partylist Rep. JC Abalos, Chairman ng House Committee on Ethics and Privileges na bibigyan ng sapat na pagkakataon si Cavite Rep. Kiko Barzaga na makapaglatag ng kaniyang depensa sa mga panibagong reklamo na kinakaharap nito.

Ang komite ay nakatakdang magpulong sa susunod na linggo kung saan nakatakdang padaluhin at imbitahan dito si Barzaga at ang mga complainants bagama’t may nauna ng pahayag ang batang mambabatas na hindi siya dadalo sa panibagong pagpapatawag ng Ethics Committee.

“Bibigyan natin ng notice ang respondent at bibigyan po natin siya (Barzaga) ng pagkakataon na magbigay ng kaniyang side at pieces of evidence,” pagtitiyak ni Abalos sa isang press conference.

Ayon sa chairman ng komite, lahat aniya ng miembro at sangkot sa usaping ito ay padadalhan ng imbitasyon upang matalakay ang laman at pakiusap ni Manila Rep. Roland Valeriano sa plenaryo na muling patawan ng panibagong suspensyon ang batang kongresista upang aniya’y “maturuan ng tamang aral and batang iyan.”

Bago pinagtibay ang mosyon sa plenaryo ukol sa muling pagpapatawag kay Barzaga ng Ethics Committee ay tumayo din si Rizal Rep. Emigdio “Dino” Tanjuatco III kasunod ni Valeriano na siyang nagsulong upang ang mga panibagong reklamo ay dinggin ng komite.

“So next week ay meron po kaminag meeting and along with that motion na in-adopt din ng plenary na nire-require din ang ating respondent na si Rep Barzaga. So next week we will be sure na lahat po ng ating mga members be notified about po sa nasabisng hearing and be furnished of the copy of the said privilege speech.”

Giit pa ni Abalos na ang ganitong pagdinig at pagpapatawag ng Ethics Committee ay pwede ring gawin sa sinumang miembro ng Malaking Kapulungan ng Kongreso depende sa bigat ng reklamo.”

“Hindi lamang ito nag-a-apply sa ating respondent but this applies to all the members of Congress. Any congressman can be expelled, any congressman can be suspended, any congressman can be reprimanded or censured depende na lang po sa complaints, depende sa evidence, depende sa course ng hearing and of course depende sa depensa ng respondents,” paliwanag pa ni Abalos.

Aniya ang komite ay nagrerekomenda lamang ngunit ang magdedesisyon pa rin ay ang kabuuan ng mga mambabatas pagdating sa plenaryo.

Ngunit bago pa man nabigyan ng imbitasyon si Barzaga ay nag-post na ito ng tugon na hindi siya dadalo sa pagdinig sukdulang patalsikin na umano siya sa Kamara.

Kabilang sa panibagong reklamo na ibinato laban kay Barzaga ni Valeriano ay ang diumano’y mga post nito sa kaniyang Facebook na sinuhulan umano ng bilyonaryong negosyante na si Enrique Razon ang mga kongresista upang muling iboto si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker sa 20th Congress at ang pagdawit nito sa yumaong Antipolo Rep. Romeo Acop sa mga ghost projects. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here