Home NATIONWIDE Barzaga naghain ng counter affidavit sa DOJ

Barzaga naghain ng counter affidavit sa DOJ

202
0

MANILA, Philippines – Personal na nagtungo si suspended Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa Department of Justice (DOJ) upang maghain ng kanyang counter affidavit kaugnay ng inihaing reklamo ng PNP-CIDG na may kinalaman sa anti-Marcos protest at online post.

Sa panayam ng mga mamamahayag, naging kumpiyansa si Barzaga na ibabasura ng panel of prosecutors ang reklamong Incident to Sedition at Inciting to Rebellion na inihain laban sa kaniya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.

Nag-ugat ang reklamo kay Barzaga kasunod ng kaniyang post sa social media na may kinalaman sa panawagang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Isa rin sa basehan ng reklamo ng PNP-CIDG ang pangunguna ni Barzaga sa Anti-Marcos protest sa Forbes Park sa Makati City noong October 12 na walang permit.

Sa kanyang counter-affidavit, iginiit ni Barzaga na bahagi lamang ng freedom of speech ang kaniyang post online at wala naman umanong karahasang nangyari noong protesta.

Umaasa rin ang mambabatas na mareresolba ang kanyang ethics complaint bago siya bumalik sa Kongreso sa Pebrero.

Pagdating naman sa kanyang trabaho at pagseserbisyo sa kanyang distrito bilang mambabatas, sinabi ni Barzaga na hindi nakaapekto ang kinakaharap niyang ethics complaint. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here