Home ENTERTAINMENT Toni, pumalag sa isyung hiwalay na sila ng mister!

Toni, pumalag sa isyung hiwalay na sila ng mister!

262
0

Manila, Philippines – Hindi pinalampas ni Toni Gonzaga ang mga netizen na tumutukoy sa kanila ng asawang si direk Paul Soriano bilang “power couple” that’s going through some rough patch in their marriage.

Naiulat sa pamamagitan ng blind item, nauna nang itinanggi ito ni Marian Rivera.

Hindi daw sila ‘yon ng mister na si Dingdong Dantes.

Idinenay din ito ni Luis Manzano–hindi rin daw sila ‘yon ni Jessy Mendiola.

Ayon kasi sa Bl, ilang beses na daw nambabae ang mister.

Dahil dito’y napaiyak na lang daw ang misis nito sa harap ng kanyang mga kaibigan.

Bale ba, handa daw magtiis ng misis kahit may third party sa kanilang pagsasama.

Kanya-kanyang hula ang mga netizens, kabilang sina Toni at Paul sa mga itinuturo.

On the live product selling ni Toni, bumaha ang mga komento kaugnay ng naturang Bl.

Naitanong nga si Toni na sila daw ba ‘yon ni direk Paul.

Pero sa halip na sagutin, kinunek ni Toni ang kanyang reaksyon sa produktong ibinebenta.

Sey niya: “Do not waste time sa mga nonsense, okay? It’s a waste!

“Ang mga waste, dapat pina-flush sa CR, okay? Katulad nito, umiinom ako ng antioxidant, so lahat ng wastes sa body ko, ipa-flush natin ‘yan sa CR!”

Tinawag din ni Toni na “walang silbi” ang mga tanong sa comments section.

Wala naman daw kapupuntahan ‘yon.

In short, tangkilikin n’yo na lang ang produkto ni Toni! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here