Home METRO Basco, Batanes niyanig ng M-5.2 na lindol

Basco, Batanes niyanig ng M-5.2 na lindol

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang karagatan sa Basco, Batanes bago magtanghali noong Lunes, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang offshore na lindol ay tumama sa 8 kilometro hilagang-silangan ng Basco, sa lalim na 10 kilometro.

Sinabi ng Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershocks ngunit walang inaasahang pinsala. RNT