Home NATIONWIDE Alamin: Mga byaheng balik-operasyon at kanselado sa hagupit ni Pepito

Alamin: Mga byaheng balik-operasyon at kanselado sa hagupit ni Pepito

MANILA, Philippines – Balik-operasyon na ngayong araw, Lunes, Nobyembre 18, ang ilang byahe matapos ang pagtama ng bagyong Pepito.

Sa anunsyo ng Philippine Ports Authority (PPA), ang mga sumusunod ay kabilang sa biyahe na balik-operasyon na:

1. Masbate City – Pilar, Sorsogon V.V.

ALL VESSELS (Fastcraft and Roro) – Montenegro Shipping Lines

2. Masbate City – Pio Duran, Albay V.V.

Santa Philomena – CAVS Sea Transport

3. Masbate City – Castilla, Sorsogon V.V.

LCT 888 – Santa Clara Shipping Corp.

4. Mintac Port, Cataingan – Polambato Port, Bogo, Cebu, V.V.

Kho Shipping Lines

Samantala, kanselado parin ang biyahe ng mga barko papuntang Pasacao, Camarines dahil nakataas parin ang storm signal number sa Lalawigan ng Camarines Sur bunsod ng bagyong Pepito.

Pinapaalalahanan ang lahat ng mga biyahero na laging makiantabay sa mga updates ng mga shipping lines sa susunod nitong mga advisory. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)