Home NATIONWIDE 12 kalsada nanatiling sarado sa motorista – DPWH

12 kalsada nanatiling sarado sa motorista – DPWH

MANILA, Philippines – Hindi pa rin madaanan ng mga motorista ang 12 road sections sa Cordillera Administrative Region, Regions 2, 3, at 5 dahil sa epekto ng sunod-sunod na bagyong Nika, Ofel, at Pepito.

Tinukoy ng Department of Public Works Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) ang mga isinarang kalsada sa kabahaan ng sumusunod na kalsada.

1. Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road Tukucan, Tinoc, Ifugao

2. Benguet-Nueva Vizcaya Road, Sitio Labas, Pito Bokod, Benguet

3. Cagayan-Apayao Road, Itawes Overflow Bridge 1 and 2, Sta Barbara, Piat, Cagayan

4. Maharlika Highway, Barangay San Luis, Diadi, Nueva Vizcaya

5. Aritao-Quirino Road, K0246+750, Nueva Vizcaya

6. Bambang-Kasibu-Solano Road, Nueva Vizcaya

7. Daang Maharlika-Jct. Malasin Road, Barangay Lamo, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya

8. Cordon-Aurora Bdry Road (Jct Dumabato- Aurora Bdry), Barangay Sangbay, Nagtipunan, Quirino

9. NRJ Villa Sur-San PedroCabua-an-Ysmael Disimungal Road, Barangay Villa Sur, Maddela, Quirino

10. Nueva Ecija- Aurora Road, Barangay Labi, Bongabon, Nueva Ecija

11. Catanduanes Circumferencial Road, Barangay Mavil, Bagamanoc, Catanduanes

12. Baras – Gigmoto – Viga Road, Barangay Paniquihan section sa bayan ng Baras , Barangay Sicmil section sa Gigmoto town, Barangays Botinagan, Suboc, at Buenavista sections sa bayan ng Viga , Catanduanes

Ito ay dahil sa mga gumuhong lupa, bato, natumbang mga puno, matinding pagbaha, langslide at nasirang tulay, natumbang poste at nagkalat ng debris mula sa mga naapektuhang mga bahay.

Dalawang kalsada naman ang limitado lamang ang makakadaang mga sasakyan sa Nueva Ecija dahil sa mataas na baha.

1. Jct Pinagpanaan-Rizal-Pantabangan Road, Barangay Del Pilar, Rizal, Nueva Ecija.

2. San Jose City-Rizal Road via Pinili-Porais-Villa Joson (Palarilla) Road, Barangay Porais at Palestina in San Jose City, Nueva Ecija.

Ang inisyal na halaga ng pinsala sa imprastraktura mula kina Nika, Ofel, at Pepito ay umaabot na sa P516.73 milyon, na sumasaklaw sa P170.71 milyong pinsala sa mga kalsada sa CAR at Region 2, P7.24 milyong pinsala sa mga tulay sa Rehiyon 2, at P338.79 milyon pinsala sa mga istrukturang pangkontrol ng baha sa Rehiyon 2 at 3. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)