Home NATIONWIDE Palitan ng classified military info ng Pinas at US pinadali

Palitan ng classified military info ng Pinas at US pinadali

MANILA, Philippines – Lumagda ang kasunduan ang Pilipinas at Estados Unidos ngayong Lunes. Nob. 18 na magsisilbing framework upang mapadali ang pagpapalitan ng classified military information sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang kasunduan ay nilagdaan nina Department of Defense chief Gilberto Teodoro Jr. at ng kanyang counterpart sa Estados Unidos na si Lloyd Austin III sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Ayon sa Department of National Defense (DND), ang paglagda sa General Security of Military Information Agreement (GSOMIA) ay isang “kritikal na hakbang para mapahusay ang pagbabahagi ng impormasyon at palalimin ang interoperability” sa pagitan ng Pilipinas at US.

“Hindi lamang nito mabibigyang-daan ang Pilipinas na magkaroon ng mas mataas na kakayahan at malalaking tiket mula sa Estados Unidos, magbubukas din ito ng mga pagkakataon upang ituloy ang mga katulad na kasunduan sa mga bansang katulad ng pag-iisip,” dagdag ng DND.

Pinangunahan din ng dalawang opisyal ng Depensa ang groundbreaking ceremony ng Combined Coordination Center, na magsisilbing gateway para sa pagbabahagi ng impormasyon at estratehikong koordinasyon sa pagitan ng US at Pilipinas.

“This groundbreaking represents not only the construction of a facility, but the solidification of our commitment to one another, ensuring that our forces stand united in the face of challenges,” ani Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. RNT