Home NATIONWIDE Basic education ‘di magagalaw sa Cha-cha – Angara

Basic education ‘di magagalaw sa Cha-cha – Angara

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na hindi magkakaroon ng liberalisasyon sa basic education sa pamamagitan ng isinusulong na pag-aamyenda sa economic provision ng 1987 Constitution.

Sinabi ni Angara, chairman ng subcommittee on constitutional amendments and revision of codes, na hindi intensyon ng panukalang charter change na pahintulutan ang dayuhang pagmamay-ari ng basic education sa dayuhan.

Naunang tinututulan ng Department of Education (DepEd) ang panukalang buksan ang economic provision sa dayuhan partikular ang sektor ng edukasyon upang makahimok ng imbestor.

“The intention is not to liberalize basic education. The intent is to liberalize higher and vocational and technical. So, I think you can be rest assured that we will not open up basic education,” ayon kay Angara.

“At the outset of the educational institutions’ session, we already said that the intention was not to open up basic education because of the importance of values formation, nationalism, among others,” dagdag niya.

Sa ginanap na pagdinig ng komite, inulit ni Education Assistant Secretary Francis Bringas ang posisyon ng mga resolusyon na amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pag-aalis ng 40% limit sa foreign ownership sa vital industries, kabilang ang edukasyon.

Aniya, dapat eksklusibong ipatupad ng Filipino ang Philippine curriculum upang makatugon ang espisipikong pangangailangan at konsteksto ng bansa.

Hinggil naman sa higher education institutions, sinuportahan ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera III ang economic Cha-cha, upang mabigyan ng karagdagang opsyon ang estudyante na mag-aral sa dayuhang unibersidad, makatulong sa internationalization ng higher education, at pataasin ang bilang ng foreign student na mag-aaral sa Pilipinas.

“The Commission interposes no objection to the proposal to amend the Constitution, to open up control and administration of higher education institutions to foreign nationals,” ayon kay De Vera sa naturang hearing.

Samantala, inihayag naman ni Department of Science and Technology (DOST) Philippine Science High School (PSHS) System deputy executive director Rod De Lara na wala silang pagtutol sa adhikain na payagan ang dayuhang pamantasan na magtayo ng kampus sa Pilipinas upang maghandog ng edukasyon.

“The PSHS System, being the country’s premier STEM high school catering to Filipino scholars with high aptitude in science and mathematics, welcomes all government initiatives that will improve the standard of education in the country at all levels,” aniya. Ernie Reyes

Previous articleTrabaho, mas malinis na industriya inaasahan sa floating solar project ng Australian firm
Next articleComelec kakapusin sa oras ‘pag nauna Cha-cha plebiscite sa 2025 polls