Home NATIONWIDE Trabaho, mas malinis na industriya inaasahan sa floating solar project ng Australian...

Trabaho, mas malinis na industriya inaasahan sa floating solar project ng Australian firm

MANILA, Philippines- Makalilikha ng trabaho para sa mga Pilipino ang floating solar project ng Australian firm sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakapulong niya ang mga opisyal ng Macquarie Group ukol sa bagay na ito.

“With Macquarie Group’s 1.3 GW floating solar project in Laguna Lake, we’re creating sustainable jobs and cleaner industries,” ayon kay Pangulong Marcos.

Aniya pa, ang inayos na business setting sa bansa ay magreresulta sa mas mabuti at mahusay na renewable energy system.

“Our green lanes and improved business environment pave the way for more initiatives like this to thrive and contribute to our nation’s renewable energy goals,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Macquamarie group managing director at CEO Shemara Wikramanayake na ‘excited’ na siyang talakayin ang investment bank sa Pilipinas.

“The whole digitization process, we’re excited about. Also, the energy transition we’re excited about … we certainly invest in digitization and we invest in energy transition and in mining and building bigger advisory business,” pahayag niya.

Winika ni Wikramanayake na interesado sila na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa demographic profile nito para sa pagkakaroon ng “a young and growing population.”

“What we’re keen to do is to partner with Southeast Asia particularly with places like the Philippines, which are proving to be very good to create that environment for the pension savers money here. To bring capital to health, investing in infrastructure, etcetera,” lahad niya.

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang nasabing kompanya sa interes nito na mamuhunan sa Pilipinas, binigyang-diin na malaking tulong ang mga ito para sa pag-unlad ng Pilipinas lalo na sa aspeto ng digitalization process hindi lamang para sa mga investors, kundi maging sa mga lokal.

“We somehow have fallen behind in that regard, and we’re trying to catch-up. Digitization is a very important part of ease of doing business not just for investors, but for locals in their dealings with the government,” ang pahayag ng Pangulo. Kris Jose

Previous articleImelda naospital sa ‘pneumonia’ – Imee
Next articleBasic education ‘di magagalaw sa Cha-cha – Angara