Home NATIONWIDE Imelda naospital sa ‘pneumonia’ – Imee

Imelda naospital sa ‘pneumonia’ – Imee

MANILA, Philippines- Dinala sa ospital si dating First Lady Imelda Marcos dahil sa hinihinalang pneumonia.

Inihayag ito ng kanyang anak na si Senator Imee Marcos sa mensahe sa mga mamamahayag.

“Inospital na namin [for] close monitoring… Suspected pneumonia as she has been having fever [and] cough on [and] off. Given her age, we [have to] take [maximum] precautions,” pahayag ni Senator Marcos na tinutukoy ang 94-anyos na matriarch.

Mayo noong nakaraang taon nang sumailalim ang dating First Lady sa angioplasty procedure. RNT/SA

Previous article4 sugatan sa pagbomba ng tubig ng CCG vs PH ship sa resupply mission sa BRP Sierra Madre
Next articleTrabaho, mas malinis na industriya inaasahan sa floating solar project ng Australian firm