Home HOME BANNER STORY Basilan clash posibleng dahil sa kakulangan ng koordinasyon – Iqbal

Basilan clash posibleng dahil sa kakulangan ng koordinasyon – Iqbal

MANILA, Philippines – Posibleng dahil sa kakulangan ng koordinasyon kung kaya’t nangyari ang madugong sagupaan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at armadong grupo, na ang isa ay may kaugnayan sa Moro Islamic Liberation Front, sinabi ng isang opisyal ng Bangsamoro.

“It was an unfortunate incident. Pareho ang gobyerno at ang MILF naging biktima,” sinabi ni Bangsamoro Education Minister Mohagher Iqbal.

“I am not preempting the result of the verification…There was no coordination. Pumasok sila bigla. Walang coordination,” dagdag pa niya.

Ang mga sundalo ay nagbibigay ng seguridad sa tauhan ng United Nations Development Programme (UNDP) na naroon sa lugar para sa isang peace and development project sa Barangay Lower Cabengbeng, Sumisip, Basilan nang mangyari ang engkwentro noong Miyerkules.

Ayon kay Butch Malang, MILF-CCCH chairperson, hindi sila inabisuhan tungkol sa operasyon.

Sinabi pa ng CCH, na pumapasok ang pwersa ng pamahalaan sa komunidad ng MILF at kailangang magpasabi muna sa GPH-CCCH sa pamamagitan ng liham o ng mensahe.

Ang GPH-CCCH naman ang makikipag-ugnayan sa MILF-CCCH.

“Wala po talagang nareceive ang MILF-CCCH na coordination na may papasok na security sector sa isang area,” ani Malang. RNT/JGC