MANILA, Philippines- Binatikos ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte nitong Linggo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos dalhin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa The Hague sa The Netherlands upang harapin ang crimes against humanity.
Sa kanyang talumpati sa 88th Araw ng Dabaw, sinabi ng nakababatang Duterte na idinalangin niyang matapos ni Marcos ang kanyang termino bilang chief executive, dahil lalaban umano sila kasunod ng umano’y “ilegal” na pag-aresto sa kanyang ama.
“I will take this opportunity to tell Mr. Marcos how I feel about him. Mr. President Marcos, you will never be loved, especially to us who are calling out Rody Duterte’s name. You will never be loved, Mr. Marcos,” giit ni Baste Duterte.
“We will stand up and we will fight back,” dagdag niya.
Sinabi ng alkalde na bukod sa umano’y hindi pagmamahal ng taumbayan sa Pangulo, ang mayroon lamang umano ito ay “government resources and [his] term.”
“Beyond that, you are nothing!” wika pa niya.
Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Malacañang ukol dito. RNT/SA