Home NATIONWIDE Baste may kondisyon sa suntukan kay Torre: PBBM pinagda-drug test

Baste may kondisyon sa suntukan kay Torre: PBBM pinagda-drug test

279
0

MANILA, Philippines – Sumang-ayon si Acting Davao City Mayor Baste Duterte sa charity boxing match na iminungkahi ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III ngunit may kondisyon ito.

Ani Duterte, dapat munang sumailalim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hair follicle drug test bago matuloy ang suntukan.

“Kung seryoso ka sa charity event, kausapin mo ang amo mo, ang pangulo. Sabihin niya na lahat ng halal na opisyal ay magpa-drug test. Doon ako papayag,” ani Duterte sa isang video post.

Nauna nang tinanggap ni Torre ang hamon ni Baste na suntukan at iminungkahing gawing fundraising para sa mga biktima ng pagbaha. Sinabi niyang nakahanda na ang Rizal Memorial Coliseum at nagsimula na siyang mag-ensayo.

Binanatan naman ni Duterte ang paggamit ng kalamidad para sa publicity at nagbiro pa: “Matagal ko nang gustong bugbugin ang unggoy.”

Matagal nang nananawagan ang mga Duterte na mag-drug test si Marcos sa gitna ng tensyon sa pagitan ng pangulo at VP Sara Duterte. Si Torre ang nanguna sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang CIDG chief. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here