MANILA, Philippines – Isang landslide ang tumabon sa barracks ng isang construction site sa hangganan ng Silang at Tagaytay, Barangay Iruhin West, Cavite nitong Huwebes, na ikinasawi ng isang tao.
Ayon kay Tagaytay Mayor Brent Tolentino, patuloy ang paghahanap sa dalawang nawawala.
Isa pang biktima ang nailigtas at nagpapagaling na sa ospital. RNT