Home NATIONWIDE DepEd: 442 iskul ginawang evacuation centers; 24,000 klase, kinansela

DepEd: 442 iskul ginawang evacuation centers; 24,000 klase, kinansela

271
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Education (DepEd) na 442 pampublikong paaralan ang ginagamit ngayon bilang evacuation centers habang 24,649 paaralan ang nagsuspinde ng face-to-face classes sa 14 na rehiyon dahil sa bagyong Dante, Emong, at habagat.

Limang araw nang tuloy-tuloy ang suspensyon ng klase mula Hulyo 17—ang pinakamahaba ngayong buwan. Naitala ng DepEd ang 1,876 silid-aralan na may minor na pinsala, 562 major, at 53 na lubos na nasira, pati 232 nasirang pasilidad para sa kalinisan.

Nagpatupad ang DepEd ng agarang tugon gaya ng clearing operations, insurance sa ilalim ng National Indemnity Insurance Program, at access sa DepEd Provident Fund loan, GSIS calamity loan, at 30-day calamity leave para sa mga empleyado sa apektadong lugar.

Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara ang tulong para sa mga paaralan at guro: “Gagawin natin ang lahat para sila’y mabilis na makabangon at makapagpatuloy sa pagbibigay ng edukasyon.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here