Home HOME BANNER STORY Pa-joke na class suspension, ititigil na ng DILG chief sa sita ni...

Pa-joke na class suspension, ititigil na ng DILG chief sa sita ni VP Sara

295
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Huwebes na hindi na siya magbibiro sa pag-aanunsyo ng class suspensions matapos punahin ni Vice President Sara Duterte ang kanyang istilo ng komunikasyon.

“Mga Abangers, di na muna ako magbibiro. Kahit si VP, pinuna ako,” ani Remulla bago ilabas ang listahan ng #WalangPasok para Hulyo 25.

Binigyang-diin ni Duterte na dapat maging propesyonal ang komunikasyon ng gobyerno at ihiwalay ang personal na istilo, kaya may mga tagapagsalita ang bawat ahensya.

Ipinagtanggol naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Remulla: “As long as he gets the message across, that’s what it’s for.”

Nagpasalamat si Remulla sa Pangulo ngunit aniya, “Hindi dapat ganun. The proper information was disseminated… Some people aren’t happy with how I say it, but people got the message.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here