Home METRO Basurang sanhi ng pagbaha gagawing kuryente sa Bulacan

Basurang sanhi ng pagbaha gagawing kuryente sa Bulacan

371
0

BULACAN, Philippines – Konkretong inilatag ng mga kinauukulan ang mga hakbang sa pangmatagalang pangangalaga sa kapaligiran at sistematikong koleksyon ng basura na magbabawas sa taunang pagbaha at magbibigay kuryente sa lalawigang ito.

Ito ang tinuran ng mga kinauukulan sa isinagawang 1st Bulacan Environment Summit sa Hiyas ng Bulakan Convention Center, Malolos City, Bulacan nitong Oktubre 17.

Sa report, nalamang ang Bulacan Waste-to-Energy Project ang isa mabisang solusyon sa paglilinis ng kapaligiran at sistematikong koleksyon ng basurang na kadalasay bumabara sa mga kanal o lagusan ng tubig patungo sa kailugan.

Ayon sa report, ang pagsasakatuparan ng proyektong ito na ang 90% ng mga basurang makokolekta ay gagawing kuryente na aabot hanggang 75 megawatt kung saan magbibigay ng technical assistance ang Department of Environment and Natural Resources.

Nabatid na may tatlong bayan sa lalawigang ito ang pinagpipiliang pagtayuan ng naturang proyekto sa lalong madaling panahon.

Samantala, nakaamba na rin ang malawakang dredging sa lahat ng mga ilog sa lalawigan at sasabayan ng paglalagay ng mga water impounding facilities sa upper at lower stream ng lalawigang ito.

Kaugnay nito, isinusulong din ang Manila-Bataan Road and Megadike Project na makakatulong sa pagharang ng tubig-alat mula sa high tide sa mga lagusan o latian mula Calumpit hanggang Meycauayan na inendorso kamakailan ng Regional Development Council.

Pinangunahan nina Fernando, Vice Governor Alex Castro, Provincial Administrator, Antonette Constantino, Department Head BENRO Atty Julius Degala, PDRRMO Head Manuel Lukban Jr, DILG Bulacan PD Myrvi Apostol-Fabia, mga Bokal, alkalde at iba pang mga opisyal ang nasabing pagkilos laban sa baha at basura. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here