Home METRO PRO-13 nakasamsam ng 38 loose firearms, 40 drug suspects sa CARAGA

PRO-13 nakasamsam ng 38 loose firearms, 40 drug suspects sa CARAGA

263
0

BUTUAN CITY, Philippines – Nasamsam ng Police Regional Office (PRO)-13 Caraga ang 38 loose firearms at naaresto ang 40 suspek sa ilegal na droga sa lingguhang operasyon mula Oktubre 11 hanggang 16, iniulat kahapon.

Sa report ng PRO-13 na tatlong maliliit na armas ang isinuko sa Agusan del Norte, siyam sa Agusan del Sur, 11 sa Surigao del Norte, at dalawa sa Butuan City.

Siyam pang baril ang nakumpiska sa Surigao del Sur, habang apat naman ang narekober ng Regional Mobile Force Battalion.

Ayon kay PRO-13 Director Brig. Gen. Marcial Mariano Magistrado IV, hinimok niya ang lahat ng may-ari ng baril na ipasuri o isauli ang mga hindi rehistradong armas sa mga awtoridad.

Samantala, ₱893,916.44 halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa 38 operasyon sa buong rehiyon.

Sa 40 naaresto, 11 ang high-value targets, habang 29 naman ay street-level drug personalities.

Pinakamaraming naarestong suspek ay sa Surigao del Norte na may 14 katao.

Bukod dito, 456 katao ang nahuli dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod at bayan tulad ng traffic violations, curfew sa mga menor de edad, at pag-inom o paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Karamihan sa kanila ay pinagmulta at pinagsabihan bago pinalaya.

“Ang mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa ay bahagi ng aming tuloy-tuloy na kampanya upang mapanatili ang kaayusan at disiplina sa publiko,” ani Magistrado. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here