Home NATIONWIDE Basyang patuloy na nanalasa sa maraming bahagi ng bansa

Basyang patuloy na nanalasa sa maraming bahagi ng bansa

205
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng malakas hanggang matinding pag-ulan ang Tropical Storm Basyang sa ilang bahagi ng bansa habang patuloy ding nakaaapekto ang Northeast Monsoon (amihan) sa Hilaga at Gitnang Luzon, ayon sa PAGASA.

Bandang 3:00 a.m., ang sentro ng Basyang ay tinatayang nasa Kitcharao, Surigao del Norte, na may lakas ng hangin na 65 km/h malapit sa sentro at bugso na aabot sa 90 km/h. Kumikilos ito pakanlurang hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Ayon sa PAGASA, maulang panahon ang mararanasan sa Central Visayas, Negros Island Region, Northern Mindanao, at Caraga dahil kay Basyang. Posible ang flash floods at landslides dahil sa malakas hanggang matinding, minsan ay torrential, na ulan. Mayroon ding minor hanggang moderate na banta sa buhay at ari-arian dahil sa malalakas hanggang gale-force na hangin.

Ang natitirang bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Lanao del Sur, Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Palawan ay makararanas ng pag-ulan at pagbugso ng hangin, na may minimal hanggang minor na banta sa buhay at ari-arian.

Magdadala rin ang bagyo ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Bicol Region, natitirang bahagi ng Mindanao, Quezon, at Marinduque, kung saan posible rin ang pagbaha at pagguho ng lupa. Sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may paminsang pag-ulan o thunderstorms dahil sa trough ni Basyang.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa amihan, na walang malaking epekto.

Sa wind at coastal water conditions, inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na hangin at katamtaman hanggang maalong dagat sa Mindanao at Southern Luzon, habang light hanggang moderate ang hangin at slight hanggang moderate ang dagat sa natitirang Luzon.

Sinabi rin ng PAGASA na nag-landfall si Basyang sa Bayabas, Surigao del Norte bandang 11:50 p.m. ng Biyernes, at huling namataan sa Cabadbaran City, Agusan del Norte. “Basyang has slightly weakened due to interaction with the landmass but it will likely remain a tropical storm,” ayon sa ahensya. Posible itong humina pa bilang tropical depression at tuluyang maging low pressure area sa mga susunod na araw.

Batay sa forecast track, tatawid pa ang bagyo sa Mindanao, papasok sa Bohol Sea, at inaasahang magla-landfall muli sa katimugang bahagi ng Cebu at Negros Oriental.

Dahil dito, maraming lugar ang nananatili sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2, kabilang ang mga bahagi ng Southern Leyte, Bohol, southern Cebu, Siquijor, Negros Oriental at Occidental, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Sur, Agusan del Norte at Sur, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental, at Iligan City.

Mayroon ding mga lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao na nasa ilalim ng Signal No. 1, kung saan inaasahan ang 39–61 km/h na hangin at paminsang pag-ulan sa loob ng 36 oras. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here