Home NATIONWIDE Desisyon ng Kamara sa Marcos impeachment posibleng makaapekto sa kaso vs VP...

Desisyon ng Kamara sa Marcos impeachment posibleng makaapekto sa kaso vs VP Sara

191
0

MANILA, Philippines – Maaaring makaapekto sa magiging resulta ng mga bagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang mga dahilan na ginamit ng House justice committee sa pagbasura sa dalawang impeachment case laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa mga legal expert at minority lawmakers.

Ayon sa kanila, ang mayorya ng komite na kaalyado ng administrasyon ay umano’y “lawyered” para sa Pangulo at maaga at maling nagpatupad ng mahigpit na pamantayan ng ebidensya, kahit nasa yugto pa lamang ng “sufficiency in substance” ang proseso.

Ang dalawang reklamo laban kay Marcos ay inihain ng abogado na si Andre de Jesus, na inendorso ni Pusong Pinoy Rep. Jett Nisay, at ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), na inendorso ng Makabayan bloc. Bagamat idineklarang sufficient in form ang mga reklamo, ibinasura ang mga ito ng justice committee matapos ideklarang kulang sa substance, kaya hindi na umabot sa yugto ng pagdinig.

“We have repeatedly heard representatives of the majority say that there is no evidence and that the offenses contained in the complaint are not impeachable. It is not their job to lawyer for the President, but that seems to be what is happening,” ayon sa pahayag ng mga mambabatas ng Makabayan.

Dagdag pa nila, “Clearly, the majority would not like the President to face the charges against him at the proper forum. That is what this is about—an attempt to shield the President, to prevent him from answering the allegations against him.”

Sinabi ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima na ang sufficiency in substance ay nangangailangan lamang ng paglalahad ng mga alegasyon, at hindi pa ng patunay kung totoo ang mga ito.

Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, kung mapatutunayan ang mga alegasyon sa pagdinig, maaari itong ituring na impeachable offense, ngunit humingi na agad ng ebidensya ang mayorya kahit hindi pa ito ang tamang yugto. “If that’s the case, then we should have already brought witnesses, right?” ani Colmenares, na iginiit na sa susunod na yugto pa dapat hinihingi ang ganitong patunay.

Binigyang-diin din ni Colmenares na kung hindi babaguhin ang pamantayan, “or else impeachment is going to be impossible,” dahil maaaring mabasura agad ang lahat ng reklamo bilang “mere allegations and hearsay.”

Si Colmenares ay kabilang sa mga naghain ng impeachment complaint laban kay Duterte, kung saan inakusahan siya, bukod sa iba pa, ng paglabag sa tiwala ng publiko kaugnay ng umano’y maling paggamit ng P612.5 milyon sa confidential funds. Gayunman, pinagtibay kamakailan ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang impeachment ni Duterte dahil sa one-year bar rule.

Sa panig ng House justice committee, itinanggi ng mga lider nito ang alegasyong may kinilingan sila. Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, opinyon lamang ng bawat miyembro ang ibinahagi. Sinabi naman ni Justice Chair Rep. Gerville Luistro na malinaw ang mga patakaran at kailangang ang mga alegasyon ay nakabatay sa personal na kaalaman at authenticated records.

“We cannot please everyone but in as far as I am concerned as the Justice Chair, I am very much convinced and I stand that the members of the Justice Committee acted independently and impartially,” ani Luistro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here