MANILA, Philippines- Gumagamit ang bagong nadiskubreng bat coronavirus ng parehong cell-surface protein upang makapasok sa human cells tulad ng SARS-CoV-2 virus na nagdudulot ng COVID-19, nagtataas ng posibilidad na maaari itong kumalat sa mga tao, base sa Chinese researchers.
Hindi agad pumapasok ang virus sa human cells, hindi kagaya ng SARS-CoV-2, ayon sa ulat ng Chinese researchers sa journal Cell, binanggit ang ilan sa mga limitasyon nito.
Sinabi ng mga siyentipiko na tulad ng SARS-CoV-2, naglalaman ang bat virus HKU5-CoV-2 ng feature na kilala bilang furin cleavage site na nakatutulong dito upang makapasok sa cells sa pamamagitan ng ACE2 receptor protein sa cell surfaces.
Sa lab experiments, dumapo ang HKU5-CoV-2 sa human cells na may mataas na ACE2 levels sa test tubes at sa mga modelo ng human intestines at airways.
Sa iba pang eksperimento, natukoy ng mga mananaliksik ang monoclonal antibodies at antiviral drugs na tuma-target sa bat virus.
Nang tanungin ukol sa mga alalahanin mula sa ulat ng panibagong pandemya mula sa bagong virus, tinawag ni Dr. Michael Osterholm, isang infectious disease expert sa University of Minnesota, ang reaksyon sa pag-aaral na “overblown.”
Gayundin, binanggit din sa pag-aaral na ang virus ay may “less binding affinity” sa human ACE2 kumpara sa SARS-CoV-2, at ipinahihiwatig ng iba pang “suboptimal factors” para sa human adaptation ang “risk of emergence in human populations should not be exaggerated.” RNT/SA