INDIA – Limang katao ang inaresto dahil sa pagpatay sa isang 7-anyos na batang lalaki sa India dahil umano sa isang ritual sacrifice bilang pampaswerte sa isang pampublikong paaralan.
Ang biktima ay natagpuang patay sa kama nito sa isang hostel Linggo ng gabi.
Sa halip na ialerto sa mga awtoridad ang pangyayari, sinubukan pang itago ng school director na si Dinesh Baghel ang katawan ng bata sa likod ng kanyang sasakyan, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Police officer Himanshu Mathur na ang bata ay pinatay na bago pa ang black magic ceremony na isinagawa ng tatay ni Baghel.
“The boy was meant to be taken to an altar as part of a ritual, but got killed before the ceremony could be completed,” anang pulisya.
Dahil dito ay inaresto si Baghel at ang ama nito, kasama ang tatlo iba pang guro ng paaralan.
Hindi isinalaysay ang buong pangyayari kung paano pinatay ang bata.
Sa tala ng National Crime Records Bureau ng India, mayroong naitalang 103 kaso ng human sacrifice sa bansa sa pagitan nt 2014 at 2021. RNT/JGC