Home Banat By ‘BATANG TONSUYA’ IS PRIDE OF MALABON

‘BATANG TONSUYA’ IS PRIDE OF MALABON

DAPAT ay proud ang mga taga-Malabon sa kababayang si Archie  Añora na ang ‘di matatawarang angking humanitarian excellence at galing sa serbisyo publiko ay kinilala internationally.

Maituturing na pride of the city si Añora dahil dinala at inangat sa rurok ng kasikatan – hindi lamang ang Malabon kundi ang Pilipinas sanhi ng  tinanggap na Southeast Asian awards.

Walang iba sa mundo na kinilala sa Southeast Asian Achievement awards 2024 bilang ‘Pandemic Hero’, Champion of Public Service at Humanitarian Excellence kundi ang ‘Tonsuya Boy’ na ito sa katauhan ni Añora.

Ang Southeast Asian Achievement Awards ay organisasyon na naggagawad ng parangal na kumikilala at nagdiriwang ng tagumpay ng mga indibidwal at kompanya sa Asya.

Ang mga parangal na ito ay iginagawad sa mga taong gumawa ng makabuluhang kontribusyon sa kanilang mga larangan at nagbigay inspirasyon sa iba.

Bilang organizer ng United Persons with Disability at dedikadong kawani ng Malabon, ang walang sawang pagsusumikap ni Añora ay nagkaroon ng malalim na epekto sa hindi mabilang na buhay.

 Ang kanyang tapat na dedikasyon sa serbisyo publiko at pagtataguyod ng inklusibidad, lalo na sa mahihirap na panahon ng pandemya, ay nagpapakita ng tunay na kabayanihan at malasakit.

HIndi biro ang ginagampanang trabaho para makatulong, hindi lamang sa kapwa PWDs kundi sa iba pa pero tila walang balak na maghinay-hinay sa ginagawang serbisyo sa publiko.

Si Añora ay nagbitiw bilang empleyado ng pamahalaang lungsod kapalit ng pagsusumite ng certificate of candidacy para sa pangarap na maging miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Bata man sa pulitika kung ituring, baon naman ni Añora ang  ipinagmamalaki niyang angking galing sa pagbibigay ng subok at maasahang totoong serbisyo publiko para sa mga Malabonian.